Paglisan ni Chinua Achebe (nobela mula Nigeria)


PAGLISAN (Things Fall Apart, isang Nobels mula sa Nigeria) ni CHINUA ACHEBE
Ibinod at isinalin ni JULIETA RIVERA


PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Chinua Achebe ay ipinanganak nong Nobyembre 16, 1930 sa buong ngalan na Albert Shunualumogu Achebe. Ipinanganak siya sa Igbo town  ng Ogidi na mahahanap sa silangan ng Nigeria. Ang kaunaunahang niyang libro, Paglisan, ay inilimbag noong 1958. Ang pagpalit ng relihiyon ng kanyang magulang ay ang nag-udyok sa kanya para isulat ang nobela dahli sa malaking epekto nito sa kanilang istilo ng pamumuhay, dahil pinipigilan ng Kristiyanismo ang kanilang kinalakhang tradisyon at kultura.


URI NG PANITIKAN

Ang Paglisan ay isang uri ng nobela na naglalahad ng maraming pangyayari na hinabi upang mabuntungan ang isang mahusay na wakas na hinimay sa mga kabanata sa masining pamamaraan.


LAYUNIN NG AKDA

Ang pangunahiing layunin ni Chinua Achebe ay bigyang ilaw at kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa kultura at tradisiyon mula sa bansang Nigeria, at ipakita ang nagiging resulta ng pagdating ng dayong relihiyon sa isang bansa.


PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

1.       TEORYANG MARXISMO- ito ay nakabatay sa teorya ni Karl Max na pinapakita ang di pantay na ugnayan ng mga bagay bagay tulad ng malakas at mahina, matalino at mahina ang utak. Binibigyang diin rin kung paano nagagapi ng isang bagay ang kabiltaran nito tulad ng pagpuksa ng mabait sa masama.

2.        TEORYANG HUMANISMO- binibigyang diin rito pagkatao ng mga tauhan sa akda at pagbibigay puri sa pagiging marangal nilang tao. Ipinapakita rin ditto ang kaisipan, paniniwala, saloobin, at damdamin ng mga tauhan.


TEMA O PAKSA NG AKDA

-Pagbabago o pananatili ng kinasanayang tradisyon.
-Impluwensya ng Kristiyanismo laban sa katutubong kultura ng Aprika.


      TAUHAN SA AKDA

OKONKWO- respetadong at kilalang mandirigma sa Umuofia
IKEMEFUNA- labing libang anyos na lalaking naging anak-anakan ni Okonknow nang maatasan siyang bantayan ito dahil siya ang simbolo ng kapayapaan sa dalawang bayan sa Umuofia.
UNOKA- iresponsable at talunang ama ni Okonkwo.
OBIERIKA- matalik na kaibigan ni Okonkwo.
EZINMA-anak na baabe ni Okonkwo. Siya'y nagkasakit.
OGBUEFI EZEUDU- matandang taga Umuofia na nagbabala kay Okonkwo ukol sa planong pagpatay kay Ikemefuna.
UCHENDU- tiyuhing tumanggap kay Okonkwo nang mapunta sila sa Mbanta.
G. KIAGA- interpreter ng mga misyonero.
G. BROWN- lider ng mga misyonero.
REV. JAMES SMITH- bugnutin at malupit na misyoneryong pumalit kay G. Brown nang ito ay magkasakit.


       TAGPUAN/PANAHON SA AKDA

Ito ay naganap sa bansang Umuofia, Nigeria na matatagpuan sa Aprika


         NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

-PANGUNAHING PANGYAYARI: pinakilala si Okonkwo bilang isang respetadong mandirigma, dahil dito, sa kanya ipinagkatiwala si Ikemefuna na tinuring niyang sariling anak
-TUNGGALIAN: Tao laban sa tao.
-KASUKDULAN NG PANGYAYARI: Sa isang seremonya, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang taga Egwugwu, dahil isang kasalanan ito sa kanilang kultura, sinunog nila ang simbahang itinayo ng mga misyonero. 
-WAKAS NG PANGYAYARI: Naghiganti si Okonkwo sa pamamagitan ng pagpatay sa isang mensahero ng mga misyonero. Nang tinawag siya s aisang pagdinig, natuklasan na siya'y nagpakamatay sa takot ng parusa. Dahil sa aktong ito nawala nag respeto ng buong bayan sa kanya. 


         MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

-Mesyuridad ng isang pagkalalaki ng tao.
-Mesyuridad ng katapangan.
-Pagrerespeto sa iba’t ibang kultura.
-Katayuan ng pagpapakamatay sa moral ng isang tao.


     ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Isinulat ang akda sa paraang Kronoholikal. Nangyari ang mga ganap ng sunod-sunod at kinuwento ito ng walang pagilos gilos sa nakaraan o future. Masining ring pagkakasulat dahil sa malalalim na pagtuklas sa pananaw ng tauhan at kawiwliwiling pagbabalangkas at pagtatapos ng mga pangyayari.


      BUOD

Nagmula sa Umuofia si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma. Pinatay niya si Amalinze ang Pusa para maipamalas ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang loobin sa ama, na isa itong duwag, mahina at talunan. Dahil sa angking tapang siya ay naipiling magtatanggol kay Ikemefuna, isang batang lalaki na nagsisimbolo ng kasunduan ng Umuofia at isa pang nayon dahil pumatay ng babae mula Umuofia ang ama nito. Si Ogbuefi Ezeudu ang palihim na nagsabi kay Okonkwo na may planong patayin si Ikemefuna. Nang sila’y naglalakbay kasama ang ilang kalalakihan, sinubukan nilang patayin ang batang lalaki. Humingi ito ng tulong sa kanyang ama-amahan ngunit mas pinli ni Okonkwo na mag mukhang matapang kaysa tulungan ang batang tinuring na niyang anak. Kaya’t tinaga niya ito.
Nagtungo si Okonkwo kay Obierika, ang kanyang matalik na kaibigan upang humingi ng payo dahil sobrang naapektuhan ang pagiisip ni Okonkwo nang saktan at bata. Ipinatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya nang mabaril nito ang lsbing-anim na taong gulang na anak ni Ogbuefi Ezeudu sa burol nito. Sila’y napadpad sa Mbanta, lugar ng kapanakan ng kanyang ina, at tinanggap sila rito ng kanilang mga kaanak at tiyo ni Okonkwo na si Uchendu.
Lumipas ang dalawang taon at naikuwento ni Obierika ka Okonkwo na winasak ng mga puti ang Abame, isnag pamayanan sa Umuofia. Dumating ang mga puti sa Mbanta at sa tulong ni G. kIaga, isang interpreter, nakausap ni G. Brown ang mga ito at dinala ang mga ito patungo sa relihiyon ng Kristiyanismo.
Nang magkasakit si G. Brown, siya’y pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero.
Nang hablutin ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, isang kilos na katumbas ang pagkitil sa espiritu ng ninuno, sinunog ng mga Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo ni Rev. Smith. Dahil dito, nagpulong ang mga lider ng Umuofia at ang mga Kristiyano ngunit pagkakakulong, pagmamalupit at pangaapi lamamng ang naranasan ng mga lider.
Nang sila’y makalaya, nagkasundo ang mga taga Umofia na tumiwlag na sa Kristiyanismo at inakala ni Okonkwo na gusto nilang maghimagsik, kaya’t pumatay ito ng misyonero. Nang imbitahan ito sa pagdinig sa korte, natuklasan nilang nagpatiwakal so Okonkwo at dahil ditto, nawala ang titulo niya bilang matapang at respetadong mandirigma sa kanilang nayon.















Comments